Home METRO P500K kapalit ng impormasyon sa pumatay sa DRRMO officer ng Cotabato –...

P500K kapalit ng impormasyon sa pumatay sa DRRMO officer ng Cotabato – mayor

MANILA, Philippines – Nag-alok si Cotabato City Mayor Mohammad ‘Bruce’ Matabalao nitong Biyernes, Marso 8 ng P500,000 pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para makilala ang gunman na pumatay sa city operations officer ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) noong Marso 1.

Ang pabuya ay inanunsyo ni Matabalao kasabay ng necrological services para kay Jose Raymond “Choco” Marquez, CDRRMO operations chief, sa lobby ng city hall bago ang kanyang libing nitong Biyernes sa Marian Hills Memorial Park.

“No one can fill in the shoes of Marquez in the city disaster response unit because of his dedication and passion to serve,” sinabi ni Matabalao patungkol kay Marquez.

“He was full of innovations in responding to calamities and in saving lives,” dagdag ng alkalde.

Hinimok ni Matabalao ang sinumang may impormasyon sa pumatay kay Marquez na ibahagi ito sa Cotabato City police at siniguro na mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Sa ulat, nagmamaneho ng kanyang motor si Marquez pauwi ng bahay nang barilin ng gunman sa Sinsuat Avenue corner Gen. Luna Street bandang alas-9 ng gabi ng Marso 1.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center. RNT/JGC

Previous articleConference on Mary, suportado ng Obispo
Next article132 distressed OFWs mula Middle East, dumating na sa bansa