MANILA, Philippines – Suportado ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang isasagawang Conference on Mary o ConMariaPH na inisyatibo ng Prefecture of Spirituality of the Claretian Missionaries Fr. Rhoel Gallardo Province.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa pamamagitan ng Claretian Communications Foundation, isasagawa ang ConMariaPH sa Mayo 1, 2024 sa temang ‘Mary, You are the Most Blessed Among Women.’
Ayon sa Obispo, magandang pagkakataon itong makilakbay kay Maria na ina ng Diyos at sangkatauhan sa pagdalo sa pagtitipon.
“This conference is meant to highlight the essential role of Mary in our faith and life as followers of Jesus and the mission of the Church,” bahagi ng mensahe ni Bishop Ongtioco.
Bilang kristiyanong pamayanan, binigyang-diin ng Obispo na nawa’y matutuhang tularan ang mabuting halimbawa ni Maria na buong pusong sumunod sa kalooban ng Panginoon.
“As pilgrim Church, we walk with Mary, our Mother and learn from her. We are invited to lovingly gaze at her listening and pondering heart especially as we go through our daily challenging lives and draw inspiration from her,” dagdag ng Obispo.
Isasagawa ang Conference of Mary sa Claret School sa Quezon City mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Ito rin ay kasabay ng pagsisimula ng Flores de Mayo bilang pagpapakita ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria.
Para sa mga dadalong pisikal mayroong registration fee na P650 para sa pagkain, conference kit, at Certificate of Attendance habang P500 naman para sa dadalo online sa pamamagitan ng zoom.
Sa karagdagang detalye makipag-ugnayan kay Analyn Dayandante sa (02) 8921 3984 local 103. Jocelyn Tabangcura-Domenden