SAN JUAN, Batangas- Patay ang dalawang obrero matapos mabaon ng buhay habang nagtatrabaho sa isang construction site sa isang pribadong residential and beach resort community nitong Sabado, sa Barangay Laiya Ibabao sa lugar na ito.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Mark at Anthony.
Batay sa imbestigasyon, narinig ni Apollo Saligao, site manager ng Porto Laiya residential and beach resort, ang mga biktima na humihingi ng tulong matapos malibing nang buhay sa buhangin habang hinuhukay ang pundasyon ng metal support posts.
Nang makuha ang mga biktima, dinala sila sa San Juan District Hospital, kung saan sila idineklarang patay.
Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente at ang contractor, habang nakipagareglo naman ang pamilya ng mga biktima. RNT/SA