Home HOME BANNER STORY Mga produktong petrolyo, may rollback uli

Mga produktong petrolyo, may rollback uli

MANILA, Philippines- Magandang balita ang hatid ng mga kompanya ng langis sa bansa sa mga motorista dahil muli silang magpapatupad ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo na magiging epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P2 sa kada litro ng gasolina, P0.50 sa kada litro ng diesel at P0.85 naman sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ngayong umaga.

May rollback din sa mga nabanggit na presyo ng mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na ipinatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw.\

Ang ipatutupad na bawas-presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo na P0.75 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel at P1.05 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes