Home HOME BANNER STORY 132 lugar lubog sa baha sa Bagyong Uwan

132 lugar lubog sa baha sa Bagyong Uwan

332
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 132 lugar sa tatlong rehiyon ang nananatiling lubog sa baha hanggang nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 10 dahil sa malalakas na ulan dala ng Bagyong Uwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa 6 a.m. update, sinabi ng NDRRMC na mayroong 125 flooded areas sa Bicol Region, lima sa Western Visayas at dalawa sa Northern Mindanao.

Sinabi ng NDRRMC na humuhupa na ang mga baha sa apat na lugar sa Zamboanga Peninsula at isa sa Caraga, Mindanao.

Ang baha naman sa siyam na lugar sa Western Visayas at dalawa sa Caraga ay humupa na. RNT/JGC

Nasa 836,572 indibidwal o 230,955 pamilya ang apektado ng Bagyong Uwan.

Sa nasabing bilang, 652,768 indibidwal o 181,855 pamilya ay mula sa Bicol Region; 99,109, o 22,018 pamilya ang mula sa Caraga region; 31,451, o 10,114 pamilya ang mula sa Eastern Visayas; at 26,988, o 8,970 pamilya ang nasa Western Visayas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here