MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Lunes, Nobyembre 10 na magbibigay ito ng tatlong buwang grace period para sa emergency loan payments sa mga miyembro at pensioner nito sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino at Uwan.
Sa abiso, sinabi ng GSIS na ang loan na iginawad noong Nobyembre 2025 ay magsisimula ang amortization sa Marso 2026, at ang first payment due ay on or before April 10, 2026.
Ang mga loan na inilabas naman Disyembre 2025 ay magsisimula sa Abril 2026 at maaaring bayaran bago o sa Mayo 10, 2026.
Samantala, ang mga loan na igagawad sa Enero 2026 ay magsisimula ang amortization sa Hunyo 2026 at maaaring bayaran ng Hulyo 10, 2026, habang ang loan na inilabas Pebrero 2026 ay magsisimula sa Hulyo 2026 at ang payment due on or before August 10, 2026.
“This grace period is more than just a financial reprieve — it is a lifeline,” sinabi ni GSIS president at general manager Jose Arnulfo Veloso.
“We know that many of our members and pensioners are struggling to recover from the back-to-back typhoons. By deferring their loan payments, we are giving them the time and space to heal, rebuild, and move forward without the immediate pressure of financial obligations,” dagdag pa niya.
Ang Emergency Loan Program ay binuksan ng GSIS nitong Biyernes, Nobyembre 7, 2025 at mananatiling available hanggang Pebrero 7, 2026.
Ang mga eligible members at pensioners ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng website o mobile app ng ahensya, at sa mga opisina nito. RNT/JGC