MANILA, Philippines – Kung noon ang paglalaro ng Beyblade ay isa lang pampalipas oras ng mga kabataan, ngayon ay iba na dahil isa na itong uri ng sports na ginagawa sa isang tournament.
Umabot sa 132 Beyblade enthusiasts or Beybladers mula sa cosplay champs hanggang sa strategy junkies—ang nagsagupa sa National Press Club para sa isang araw ng pag-ikot, paghampas, at seryosong hype na suportado ng Remate, Ang Dyario ng Masa.
Nakuha ni Geneve Shereen Dy ang kampeonato at tumanggap ito ng P10,000 na premyo bukod pa sa gumawa ng kasaysayan bilang solong ina na nakipaglaban para sa kanyang anak.
Ayon sa kanya: “Sa Beyblade, ang larangan ng digmaan ay pantay-pantay—kahit sino ay maaaring manalo.”
Bukod kay Dy nagwagi rin sina Patrick Tiangco bilang 1st Runner-Up at tumanggap ng ₱5,000, 2nd Runner-Up si Amor Campos (₱3,000); AJ Silayan, sumungkit ng 3rd runner up; 4th runner up si Edrian Paul Martin; Pierre Matthews Delos Reyes-5th Runner-Up ; Owen Romero-6th Runner-Up; John Manulittle Yap-7th Runner-Up; habang hinirang na Swiss King si Ryan Dionisio na tumanggap ng ₱1,000 para sa pinakamaraming panalo sa eliminations.
Mula sa mga pangkaibigang laban hanggang sa mabangis na pagharap, ang torneo na ito ay hindi lamang isang pasabog mula sa nakaraan, ito ay patunay na ang Beyblade ay umiikot nang malakas sa kasalukuyan.
Nagsimula ang event sa check-in ng mga players, bitbit ang kani-kanilang pangmalakasang deck, ready na para sa isang araw ng sunod-sunod na bakbakan.
Umakyat sa entablado si Dr. Nathan Pineda, a.k.a. Doctor X, at nagbigay ng payo.
“Remember,” sabi niya, “Beyblade X isn’t just about spinning fast. It’s about being mentally prepared.”
Sa madaling sabi, hindi lang bilis ng ikot ang laban—dapat handa rin ang isip at diskarte mo!
“Stay focused, strategize, and embrace every outcome. Whether you win or lose, the experience is what counts,” ayon pa sa kanya.
Kahit ito ay isang kompetisyon, naging celebration ng Beyblade community ang buong tournament.
Nagpalitan ng tips ang mga players, todo cheer sa isa’t isa, at sabay-sabay nilang shinare ang saya at adrenaline ng laro.
Si Claude Ang, isang participant at cosplayer, ay nakuha ang vibe ng buong event: “There’s a certain sense of camaraderie between all players since we all share a common love for Beyblade, and that’s where the friendships can start to foster within [fierce] competitions.
Hindi lang puro laban ang nangyari sa tournament—meron ding buffet para may energy ang mga players.
Ang tatlong event organizers—Arjay Reginio, Shanel Anne Vibal, at Kiara Camargo—ay sabay-sabay na nagkasundo na malaki ang epekto ng pagod sa performance.
Idinagdag pa nila: “For us, the buffet isn’t just a service; it’s a way to show players that their well-being matters, and to create a more enjoyable event.”
At sa huli, isang bagay ang tiyak—ang Ten-O tournament ay hindi lang basta kompetisyon.
Ang nagsimula bilang paraan para buhayin ang mga alaala ng kabataan ay nagkaroon ng mas malalim n kahulugan—isang lugar kung saan ang mga hindi magkakakilala ay naging magkakaribal, ang mga karibal ay naging kaibigan, at ang lahat ay nakakakita ng komunidad.