Home NATIONWIDE 139 items of evidence sa kaso vs FPRRD ipinasa na ng ICC prosecutor

139 items of evidence sa kaso vs FPRRD ipinasa na ng ICC prosecutor

0
139 items of evidence sa kaso vs FPRRD ipinasa na ng ICC prosecutor

MANILA, Philippines – Nagpasa na ng 139 items of evidence ang prosekusyon sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa dokumentong may petsang Mayo 5, ipinasa ni
ICC Prosecutor Karim Khan ang 139 items of evidence na inorganisa sa apat na disclosure packages sa IC Pre-Trial Chamber 1.

Ang mga package ay may label na contextual elements, modes of liability, murder during Duterte’s term as mayor, at murder under barangay clearance operations sa termino niya naman bilang Pangulo.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng ICC si Duterte sa The Hague, Netherlands para harapin ang mga reklamo laban sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Matatandaang sinabi ni Khan na inihahanda nila ang dalawang saksi, 16 oras ng audio video files, at nasa 9,000 pahina ng dokumento para sa confirmation of charges.

Kaugnay nito, tinanggihan ng ICC Pre-Trial Chamber ang apela ng kampo ni Duterte na i-excuse ang dalawang judge mula sa ruling sa jurisdiction ng tribunal sa kanyang kasong crimes against humanity. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here