BULACAN, Philippines – Tinatayang 13,497 police personnel, augmentation forces, advocacy groups, force multipliers ang ipapakalat sa Central Luzon para sa safe and orderly observance ng Undas 2026.
Sa ulat ng Police Regional Office 3 (PRO3) nasa 688 himlayan o binubuo ng 501 cemetery, 175 memorial park at 12 columbaria sa rehiyon ang babantayam ng mga ito.
Ayon pa sa ulat, sa kabuuang 7,991 mula sa PRO3 ay inumpisahang ikinalat na ito mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 sa buong rehiyon.
Nabatid na ang 2,802 pulis ay direktang magbabantay sa mga sementeryo, memorial park habang ang 5,189 na kabaro nila ang magbabantay sa iba pa tulad ng mga matataong lugar.
Makakatuwang din ng mga pulis ang 857 augmented personnel mula sa ibang ahensya at 4,649 miyembro ng advocacy groups at force multipliers.
Sinasabing nakatindig na rin ang 614 Police Assitance Desks para sa agarang tulong sa publiko at pinalakas din ang police visibility sa mga pangunahing lansangan gaya ng NLEX, SCTEX at TPLEX dahil pagdagsa ng motorista sa Norte.
“Our personnel will be visible where the public needs them most. Our priority is to keep people safe and make police assistance readily available throughout the observance of Undas,”, ayon kay PBGEN Jess Mendez, Regional Director ng PRO3. (Dick Mirasol III)