MANILA, Philippines – Umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong sektor na huwag nang hintayin ang Dec. 25 deadline sa paglabas ng 13th month pay ng kanilang manggagawa.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang mandatory benefit ay katumbas ng isang buwang suweldo ng isang empleyado.
Ang lahat ng rank-and-file na empleyado ay dapat bayaran ng kanilang 13th month pay anuman ang kanilang posisyon, pagtatalaga o katayuan sa trabaho.
Karapat-dapat din sa benepisyo ang mga rank-and-file na empleyado na binabayaran sa piece-rate basis, fixed, o garantisadong sahod at komisyon; ang mga may maraming employer; ang mga nagbitiw; ang mga natanggal sa trabaho; o mga nasa maternity leave at nakatanggap ng salary differential.
Para sa computation ng 13th month pay, dapat hindi bababa sa 1/12 ng total basic salary ng manggagawa sa buong calendar year.
Ang 13th month pay ay mandatory sa ilalim ngĀ Labor Code of the Philippines and Presidential Decree No. 851. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)