Home OPINION 14 AHENSIYA NAKAPAGTALA NG PERPEKTONG MARKA, AYON SA DBM

14 AHENSIYA NAKAPAGTALA NG PERPEKTONG MARKA, AYON SA DBM

221
0

INILABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2024 Budget ng Bayan Monitor Agency Performance Review na nag-ulat ng kalagayan ng paggastos ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Sa kabuuang 308 ahensiyang sinuri, 95 porsyento ang nakakuha ng outstanding, very satisfactory o satisfactory rating.

Labing-apat na ahensiya na­man ang nakapagtala ng perpektong marka kabilang na ang:

– Civil Service Commission (CSC);

– Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB);

– National Labor Relations Commission (NLRC);

– National Wages and Productivity Commission (NPWC);

– Public Attorney’s Office (PAO);

– Games and Amusement Board (GAB);

– National Intelligence Coordinating Agency (NICA);

– Foreign Service Institute;

– News and Information Bureau;

– Philippine Information Agency (PIA);

– Biliran Province State University;

– Cagayan State University;

– Davao del Sur State Colle­ge, at

– President Ramon Magsaysay State University

Ayon kay DBM Secretary Ame­nah Pangandaman, posib­leng madagdagan ang pondo ng mga ahensiyang nagpakita ng mahusay na paggastos. “I hope that this translates to meaningful improvements in public service delivery,” aniya.

Pero may 17 ahensiya na na­kapagtala ng unsatisfactory o poor performance, batay sa pagsusuri ng DBM. Ayon sa kalihim ay nakatakdang ipata­wag ang mga naturang ahensiya upang magpaliwanag at magsumite ng catch-up plans para sa kanilang procurement at spen­ding.

Batay sa Agency Performan­ce Review ng DBM, ang mga ahensiyang may unsatisfactory o poor rating ay hindi pa pina­ngalanan sa ulat, ngunit inaa­sahang kabilang dito ang ilang national agencies at state universities na mabagal sa paggas­tos ng kanilang alokasyon. Ka­dalasang dahilan ng bagsak na gra­do ay:

– Mabagal na procurement process;

– Hindi akmang pagpaplano ng proyekto;

– Kakulangan ng maayos na monitoring at reporting; at

– Hindi natatapos ang mga programang nakalaan sa itinakdang panahon

Ang DBM ay maglalatag ng mas istriktong gabay at makikipagpulong sa mga nasabing ahensya upang matiyak na ma­ga­mit nang tama ang pondo ng bayan at mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto.
Dapat tiyakin ng DBM na walang katiwalian at ghost pro­jects bago maglabas ng panibagong pondo sa mga ahenisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here