Home HOME BANNER STORY DPWH nag-isyu ng show-cause order sa mga opisyal na sangkot sa Bulacan...

DPWH nag-isyu ng show-cause order sa mga opisyal na sangkot sa Bulacan ghost project

349
0

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag na ang mga opisyal at mga staff ng Bulacan first district engineering office na nauna nang inilagay sa floating status, kaugnay sa mga alegasyon na sangkot sila sa ghost project sa probinsya.

Ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoan, nag-isyu siya ng show-cause orders at ang hindi katanggap-tanggap na paliwanag na kanyang matatanggap ay maaaring magresulta sa preventive suspensyon ng mga ito at maaari pang makasuhan kung kinakailangan.

“We’re validating it and I think in a few days, siguro, baka dapat hindi lang floating status ‘yan. I have to, nag-issue na po ako ng show-cause order sa kanila lahat, ‘yung mga involved diyan.”

“And in a few days, pagka hindi satisfactory ‘yung ano nila, then I’ll have to issue again ‘yung preventive suspension po nila. Without prejudice, of course, to filing additional cases if warranted,” dagdag pa ni Bonoan.

Inilagay na ng DPWH sa floating status sina dating district engineer Henry Alcantara, OIC district engineer Brice Ericson Hernandez, at walo iba pa mula sa district office.

Ito ay kasunod ng pagsita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga umano’y ghost projects sa Bulacan.

“Because of the, based on the perceived anomalous implementation of projects…’Yung sinasabi nating ghost project, ‘yan ang pinakagarapal na sigurong gagawin,” anang DPWH chief.

Kasalukuyan nang biniberipika ng DPWH ang nasa 400 proyekto mula 2022 hanggang 2025 at kabilang ang mga proyekto mula sa nagdaang administrasyon.

Bukod sa mga district engineer, nagbabala rin si Bonoan na hindi palalampasin maging ang mga opisyal ng pamahalaan na mapag-aalamang sangkot sa mga anomalya sa proyekto.

“Anybody who is, anybody that will be documented po, na-involved in the anomalous implementation of any project, kasama rin po lahat,” ani Bonoan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here