Home HOME BANNER STORY 14-anyos na anak halos araw-araw ginahasa ng ama sa loob ng 2...

14-anyos na anak halos araw-araw ginahasa ng ama sa loob ng 2 taon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang tatay matapos na ireklamo ng kanyang 14-anyos na anak dahil sa halos araw-araw na umano’y panggagahasa sa kanya sa loob ng dalawang taon.

Nitong Lunes, Mayo 6, binitbit ng National Bureau of Investigation’s (NBI) Violence Against Women and Children Division ang 39-anyos na kinilala lang sa alyas na “Jay” matapos siyang akusahan ng kanyang anak ng panggagahasa.

Ayon kay NBI-VAWCD chief Yehlen Agus, lumabas sa medical checkup ng biktima na nagtamo ito ng ilang sugat sa kanyang ari.

Sa kanyang salaysay, ikinuwento ng biktima na ang kanyang tiyuhin ang unang gumahasa sa kanya noong 2022. Nang sabihin niya ito sa kanyang ama para sana humingi ng tulong, hindi umano siya pinansin nito.

Ang malala pa, makalipas ang ilang araw, ginawa rin ito ng kanyang ama at paulit-ulit siyang ginahasa tuwing umaalis ang kanyang ina para magtrabaho.

Inamin naman ni “Jay” ang kababuyang nagawa sa anak.

“Natukso rin ako sa ginawa niya… Ginaya ko po,” ani Jay.

Kasalukuyang nakakulong si “Jay” at nahaharap sa reklamong statutory rape na inihain ng NBI sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ang kanyang bayaw ay iniimbestigahan na rin dahil sa panggagahasa.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang biktima habang sumasailalim sa counselling. RNT