Home OPINION SAFETY AND HEALTH PARA SA MGA MAMAMAHAYAG 

SAFETY AND HEALTH PARA SA MGA MAMAMAHAYAG 

SA katatapos na National Press Club of the Philippines Biennial Election 2024 kamakailan kung saan napagwagian ng inyong lingkod ang ika-9 na puwesto sa board of directors, naging pangunahing plataporma natin ang pagsusulong ng safety and health para sa mga mamamahayag.

Panahon na rin naman kasi na matugunan at mapag-usapan ang mga kinakailangang proteksiyon hindi lamang sa seguridad kundi pati na rin sa pag-iwas sa aksidente at sakit ng ating mga kapatid sa hanap-buhay.

Para sa kabatiran ninyong lahat, may umiiral na batas para rito at labor department ang nakatokang magpatupad. Ang siste, hindi lahat ng ating mga kapatid ay regular ang status of employment kaya mahihirapan talagang matugunan ang mga pangangailangang pangproteksiyon. Lalo na kung ikaw ay isang free-lancer at walang dokumentong sumusuporta sa employer-employee relationship. Katulad na problema ito ng mga informal worker.

Ano ngayon ang maaaring solusyon? Sa pamamagitan ng ating propesyon, kakayanan at istratehiya, magagawa nating mapunan ang mga kakulangan. Kinakailangan munang mapag-usapan ang mungkahing ito sa unang araw ng pag-upo natin sa board bilang isa sa mga director sa buwan ng Hulyo. Taglay ang napakahaba nating karanasan sa larangan ng safety and health, naniniwala tayong magtatagumpay ang magandang hangaring ito.

                                  ∞∞∞

Ipinaaabot natin ang malaking pasasalamat sa lahat ng regular at lifetime member ng NPC na nagtiwala sa ating kakayanan bilang bagong halal na director. Gayundin sa mga miyembro at opisyal ng kinabibilangan nating Press Freedom Party na pinangungunahan ni President-elect Leonel “Boying” Abasola. Congratulations Prexy. Isang malaking pasasalamat at pagbati para sa ating PFP Founder at VP-elect Benny Antiporda na hindi nagsasawang umayuda at gumabay lalo na sa katulad nating baguhang opisyal. You’re the man, Boss.

Sa Remate family, sa pangunguna ni Boss Benedict Antiporda, editor-in-chief at NPC President Lydia Bueno, editors Fred Cabalbag, Lea Botones, at Nats Taboy at sa iba pa nating kasamahan gayundin sa mga hindi natin nabanggit, tanggapin po ninyo ang taus-puso kong pasasalamat.

Bigyan  natin ng masigabong palakpakan ang iba pang mga nahalal na opisyal ng NPC.

To God be the Glory. Mabuhay ang responsable at malayang pamamahayag. Mabuhay ang Remate. Mabuhay ang National Press Club of the Philippines!!!