Home METRO 14 ligtas sa tumaob na bangka sa Quezon  

14 ligtas sa tumaob na bangka sa Quezon  

BURDEOS, Quezon- Nasagip ang 14 pasahero mula sa tumaob na bangka sa dagat sa Barangay San Rafael, sa bayang ito, nitong Sabado.

Nakatanggap ng impormasyon si Police Lt. Sherwin Padua, duty officer sa port of San Rafael, na lumubog ang private boat na pagmamay-ari ni Roy Rotaquio dahil sa malalaking alon habang naglalayag sa Binumbunan Island.

Nagsagawang rescue operation ang mga pulis at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ligtas naman lahat ng pasahero ng tumaob na bangka. RNT/SA

Previous articleDrogang ipupuslit sa Taguig jail buking sa bebot!
Next articlePolice Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil ika-30 PNP Chief