Home NATIONWIDE 14 parak na akusado sa missing sabungeros, ‘di pa naililipat sa Bilibid

14 parak na akusado sa missing sabungeros, ‘di pa naililipat sa Bilibid

155
0

MANILA, Philippines – Nananatili sa Philippine National Police Custodial Center ang 14 pulis na akusado sa pagkawala ng 34 na “sabungeros” matapos silang maghain ng mosyon upang harangin ang kanilang paglipat sa Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon kay Col. John Guiagui, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region, pansamantala munang mananatili ang mga pulis sa naturang pasilidad habang hinihintay ang desisyon ng korte.

“Yes, nasa Custodial [Center] pa kasi may motion sila na mag-stay dito, so it’s up to the court na mag-decide kung ita-transfer sila,” pahayag ni Guiagui sa isang press briefing.

Dagdag niya, nakatakda ring gibain ang PNP Custodial Center upang bigyang-daan ang pagtatayo ng bagong gusali ng tanggapan, ayon sa naunang anunsyo ni Jonvic Remulla.

Ang 14 pulis at pitong sibilyan ay kapwa akusado ng fugitive businessman na si Charlie “Atong” Ang sa umano’y pagkidnap at pagpatay sa mga sabungero na pinaghihinalaang nandaya sa mga laban mula 2021 hanggang 2022.

Maliban kay Ang, na nananatiling fugitive, lahat ng akusado ay naaresto na batay sa mga warrant na inilabas ng mga korte sa Santa Cruz at San Pablo sa Laguna at Lipa City sa Batangas. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here