Home NATIONWIDE 14 Pinoy, 6 Koreans huli sa POGO, scam sa Pasay

14 Pinoy, 6 Koreans huli sa POGO, scam sa Pasay

Image Representation Only

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang 14 Filipino at anim na Korean sa pagpapatakbo ng hinihinalang illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) at scam sa Pasay.

Ipinatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang mission order sa isang opisina na matatagpuan sa basement ng hotel sa Pasay City sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ang naturang opisina ay nagpapatakbo ng POGO at scam operations batay sa intelligence na nakuha mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

“We’ve been hearing Korean POGOs for a long time but this is the first time we get actual Koreans running an offshore gaming operations,” pahayag ni PAOCC spokesperson Winston Casio.

“Papakagatin ka nila, papatayain ka nila, mananalo ka. Then you keep on loading up to P200,000. Kapag P200,000 na ‘yung bet money mo bigla kang ika-cut so may scamming, may betting,” dagdag pa.

Tumulong ang Korean police sa naturang operasyon.

“Sa data po namin sa Fugitive Search Unit (FSU), ang Number 1 po naming arrest in terms of fugitive lang ay Korean. Number 2 lang ‘yung Chinese,” ani BI FSU chief Rendel Ryan Sy.

Mahaharap ang Korean nationals sa immigration violation habang ang mga Filipino naman ay iimbestigahan.

Narekober ng mga awtoridad ang mga computer at maliliit na gadget na gumagawa ng one-time passwords.

“Ito yung nagpo-produce ng OTP. Dito naka-store yun. Ngayon, ‘yung mga transaction nila dito naka-save so kailangan nila ito every time na magbubukas sila ng computer,” sinabi ni PAOCC executive director Undersecretary Gilbert Cruz.

“For every computer, talagang may designated OTP. So ‘yung mga cryptowallet transactions nandito lahat. ‘Yung pinaka-number para makapasok sila,” dagdag pa.

Sangkot ang illegal POGO sa bilyon-bilyong pisong halaga ng operasyon. RNT/JGC