Home HOME BANNER STORY 14 valves ng lumubog na MT Terra Nova sa Bataan, naselyuhan na

14 valves ng lumubog na MT Terra Nova sa Bataan, naselyuhan na

131
0

MANILA, Philippines – Naselyuhan na ang 14 valves ng lumubog na MT Terra Nova sa Limay, Bataan matapos isagawa ang underwater capping, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa online briefing nitong Lunes, Hulyo 29, sinabi ni PCG Bataan station commander Lieutenant Commander Michael John Encina na umaasa silang maseselyuhan na rin ang kabuuang 24 na valve o barbula ng barko.

Ayon sa PCG, ito ay bago simulan ang siphoning operation o pagsipsip sa 1.4 litro ng industrial fuel oil (IFO) ngayong araw, Martes.

Sinabi ni Encina na kailangang masipsip ang 300 libong litro na laman ng barko upang mapalutang ito sa karagatan bago dalhin sa baybayin para ipagpatuloy ang pag-alis ng IFO.

Maaari aniya itong tumagal ng hanggang sampung araw.

Ang sister ship ng lumubog na motor tanker na MT Helena Marie ay inaasahang pagkakargahan naman ng makukuhang langis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here