Home NATIONWIDE 14 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

14 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

MANILA, Philippines – Niyanig ng 14 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo, Disyembre 15.

Sa pinakabagong bulletin ng PHIVOLCS, nakita na nagbuga ang Bulkang Kanlaon ng 3,620 tonnes ng sulfur dioxide nitong Sabado, Disyembre 14.

Naglabas ito ng katamtamang 50-meter na taas ng plume. Nagpapatuloy din ang degassing sa bulkan.

Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC