Home METRO 140% sirit-pasahe ng isang shipping line, iimbestigahan ng DOTr

140% sirit-pasahe ng isang shipping line, iimbestigahan ng DOTr

161
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalabas ng show cause order (SCO) laban sa isang shipping line sa Zamboanga City dahil sa hindi awtorisadong pagtaas ng pamasahe.

Ayon sa DOTr, ang shipping line ay nagbebenta ng mga tiket na may presyong 140% na mas mataas kaysa sa karaniwan.

Sinabi ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, lahat Naman ay apektado pero  hindi pwedeng basta na lang magtaas ng ganung kalaking halaga .

Bagaman deregulated ang mga pamasahe sa dagat, hindi nito binibigyang katwiran ang labis na pagtaas ng presyo.

Ang pagtaas umano ng pamasahe ay dahil sa krisis sa supply ng langis na dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Gayunpaman, ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA) at DOTr, may mga patakaran na nagbibigay-daan sa pagbibigay ng parusa sa mga shipping line na magpataw ng pagtaas ng higit sa 20%. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here