Home METRO 145 bagong athletic scholars tinanggap ng Navotas

145 bagong athletic scholars tinanggap ng Navotas

MANILA, Philippines – INALOK ng lokal na pamahalaang ng Navotas ng scholarship ang 145 Navoteño elementary at high school students na nangunguna sa larangan ng Palakasan o Sports.

Kabilang sa mga bagong scholars ang 38 Navotas Division Palaro champions sa athletics, 24 sa swimming, 21 sa taekwondo, 18 naman sa arnis at 16 sa badminton.

Kasama din ang 11 medalists sa table tennis, 10 mula sa pencak silat, 7 sa chess, at 9 sa arnis.

Nilagdaan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, kasama si Schools Division Office Superintendent Dr. Meliton P. Zurbano, mga scholars at mga magulang ang memorandum of agreement para sa NavotaAs Athletic Scholarship Program.

“This achievement is a testament to your perseverance and dedication in your chosen sports. I encourage you to continue honing your skills and talents, and at the same time, strive hard in your studies to maintain your grades,” ani Tiangco.

Ang Athletic scholars ay makatatanggap ng P16,500 transportation at food allowance, at P1,500 para sa uniporme at gamit kada scholarship term.

Pagkakalooban din sila ng free training mula sa mga coaches na kinuha ng pamahalaang lungsod at tulong sa pagsali sa mga kompetisyon.

Matatanggap ang kada taon at irerenew kapag nagwagi ng ika-third place o katumbas nito alinman sa regional o national sports competitions, dadalo sa mahahalagang pagsasanay at mapanatiling matatag ang ayos ng kanilang mga grado sa paaralan.

“Your success is the success of the entire Navotas community. Keep striving and dreaming. With your determination, you can achieve your dreams,” dagdag ni Tiangco.

Magbibigay din ang lokal ng pamahalaan ng Navotas ng scholarships sa mga mag-aaral na may outstanding academic performance at artistic talent, maging sa mga bata o kaanak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.

Ang MOA signing ceremony ay bahagi ng 17th Navotas cityhood anniversary celebration.(R.A Marquez)