MANILA, Philippines — Aabot sa 1,450 katao ang nahuli at halos 2,000 baril at deadly weapons ang nakumpiska dahil sa paglabag sa election gun ban para sa halalan sa 2025, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, labag sa Republic Act 7166 ang pagdadala ng baril sa labas ng bahay nang walang nakasulat na awtorisasyon mula sa Comelec. Pansamantala ring sinuspinde ang pag-iisyu ng lisensya ng baril habang election period.
Pinaalalahanan din ni Laudiangco ang mga rehistradong gun owners na kailangang kumuha ng certificate of authority para hindi malabag ang batas. Dagdag pa niya, maaaring mag-apply ng clearance ang mga opisyal na shooting teams para sa kanilang training at kompetisyon.
Ang gun ban ay nagsimula noong Enero 12 at tatagal hanggang Hunyo 11, 2025. Santi Celario