Home NATIONWIDE 14th month pay sa private employees, pinasasabatas

14th month pay sa private employees, pinasasabatas

256
0

MANILA, Philippines – Naghain ng panukalang batas sa Kamara na nag-oobliga ng 14th month pay para sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Sa House Bill 3808 na inakda ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) party-list Rep. Raymond Mendoza, itatakda ang pagbibigay ng 13th month pay tuwing Hunyo 24 at 14th month pay tuwing Disyembre 24. Katumbas ito ng hindi bababa sa ika-12 bahagi ng taunang batayang sahod ng empleyado.

Hindi saklaw ng panukala ang mga kompanyang nalulugi, mga non-profit na bumaba ng hindi bababa sa 40% ang kita sa loob ng dalawang taon, at mga empleyadong bayad sa komisyon, boundary, o per task. Kailangan din ng pahintulot mula sa DOLE para sa exemptions.

Ayon kay Mendoza, layon ng panukala na maibsan ang epekto ng mababang sahod at underemployment. “Kapag tumatanggap ng mas maayos na benepisyo ang mga manggagawa, sila’y mas masaya, mas motivated, at mas produktibo,” aniya.

Naghain din ng kahalintulad na panukala sa Senado si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here