Home NATIONWIDE Sen. Raffy, 54 staff sumalalim sa drug testing

Sen. Raffy, 54 staff sumalalim sa drug testing

248
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Sumailalim sa drug test si Senador Raffy Tulfo at 54 miyembro ng kanyang staff nitong Martes, kasunod ng ulat na isang empleyado ng Senado ang umano’y gumamit ng marijuana sa loob ng gusali.

Iginiit ni Tulfo na magbibitiw siya kung magpositibo.

“Mula sa akin hanggang sa utility, lahat na tumatanggap ng suweldo mula sa taumbayan ay dapat sumailalim sa mandatory drug testing. Kapag may nagpositibo, tatanggalin ko. At kapag ako ang nagpositibo, magreresign ako. Simple lang,” aniya.

Nakatakda rin siyang magsagawa ng random tests sa kanyang opisina mula ngayon.

Nauna nang sumailalim sa drug test si Senate President Juan Miguel Zubiri at kanyang staff, habang inatasan naman ni Sen. Loren Legarda ang kanyang mga tauhan na gawin ito bilang pagpapakita ng pananagutan at mataas na pamantayan sa serbisyo publiko.

Ang akusasyong paggamit ng marijuana ay kinasasangkutan ng staff ni Sen. Robin Padilla, si aktres Nadia Montenegro, na nagbitiw na sa posisyon at itinanggi ang paratang. Giit ni Tulfo, dapat sa Senate Committee on Ethics idaan ang imbestigasyon.

Samantala, sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na handa siyang magpa-drug test ngunit nakakalungkot aniya na “dahil sa kasalanan ng ilan, lahat ay napeperwisyo.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here