Home METRO 15-anyos estudyanteng sangkot sa Tacloban school shooting, pinakakasuhan ng DOJ

15-anyos estudyanteng sangkot sa Tacloban school shooting, pinakakasuhan ng DOJ

1
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na pinakakasuhan na ang isang menor de edad na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City noong Hunyo.

Ayon ito kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato kung saan 4 counts ng frustrated murder at 6 counts ng attempted murder ang ihahain laban sa 15 anyos na child in conflict with the law o CICL.

Ayon kay Dato, nakita ng prosekusyon na alam ng estudyante ang kaniyang ginawa nang mamaril ito sa San Jose National High School at kasabwat ang kapwa menor de edad.

Dahil dito, ihahain na ang mga kaso laban sa 15 anyos na estudyante sa Tacloban City Regional Trial Court.

Inirekomenda rin ng DOJ na magpyansa ng P72,000 sa bawat bilang ng frustrated murder habang P36,000 naman sa bawat bilang ng attempted murder na kinakaharap nito.

Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye ang Justice Department kaugnay sa naturang CICL.

Dalawang mag-aaral ang nasawi habang mahigit 20 ang napaulat na sugatan sa school shooting noong June 22. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here