Home METRO 15-anyos na estudyante dedo sa kapitbahay

15-anyos na estudyante dedo sa kapitbahay

1
0

MANILA, Philippines – IDINEKLARANG dead on arrival ang isang 15-anyos na estudyanteng lalaki nang barilin ito ng kanyang kapitbahay gabi ng Huwebes, Hunyo 4 sa Southville, Barangay Marinig, sa lungsod ng Cabuyao, Laguna.

Kinilala ang nasawing biktima na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib na si alyas Kyle 15, estudyante, naninirahan sa Block 9 Lot 53 ng nabanggit na lugar.

Ang suspek na patuloy na tinutugis ng mga awtoridad na nakilala sa alyas Ian, 19, jobless, residente ng Block 23 Lot 145 Barangay Marinig nang naturang lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cabuyao Component City Police Station sa pinangyarihan ng krimen, dakong alas – 11:48 kagabi ay bigla na lamang narinig ang putok ng baril kasabay ng pagkakakita sa nakahandusay at duguang biktima.

Ayon sa 17-anyos na witness sa krimen, nakita umano nito ang suspek na naglagay ng apat na pirasong bala sa hindi matukoy na baril nito na hinihinalang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa nasabing estudyante.

Samantalang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at nagsasagawa ng hot pursuit operation para sa agarang ikadarakip ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Inaalam pa ang motibo ng pamamaslang. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here