Home NATIONWIDE Magdamag na ulan sa Mountain Province nagdulot ng mga rockfall

Magdamag na ulan sa Mountain Province nagdulot ng mga rockfall

2
0

MANILA, Philippines – Nagdulot ng mga rockfall ang magdamagang ulan dulot ng Bagyong Ester at Habagat na humarang sa bahagi ng Mabaay–Sabangan Road sa Sitio Dugo, Barangay Napua, Sabangan, Mountain Province, nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 5.

Ayon sa mga awtoridad, ang naturang national road ay sarado pansamantala.

Inanunsyo ng Mountain Province Police Provincial Office ang temporary closure ng Mabaay–Sabangan Road sa Sitio Dugo, Barangay Napua, dahil sa mga debris at bato na tumabon sa kalsada.

Inabisuhan ang mga motorista na iwasan ang apektadong lugar at dumaan sa alternatibong ruta tulad ng Mabaay–Guinzadan Road via Bauko–Otucan at Supang–Nacagang–Sabangan Road.

Nagpapatuloy ang clearing operations sa lugar upang muling madaanan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here