Home METRO 15-anyos nanloob ng bahay, tiklo

15-anyos nanloob ng bahay, tiklo

CAUAYAN CITY, Isabela – Sa murang edad na 15-anyos na lalaki ay malakas na ang loob na manloob ng bahay sa Barangay Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Nilimas ng binatilyo ang tinatayang P100,000 halaga ng alahas at P5,000 cash ang nawala mula sa bahay ng biktimang alyas Nena sa nasabing lugar.

Napasok ng bata at naisagawa ang krimen sa pamamagitan ng pagsira nito sa sliding window ng bahay.

Ayon kay Ginoong Saturnino Aggarao Jr., Barangay Captain ng Minante 2, walang magulang ang batang suspek at sa lola na lamang nito siya nakatira. Noong nakaraang taon nasangkot na rin ang bata sa kasong pangmomolestya sa isang pitong taong gulang na batang babae.

Napag-alaman na ito ang ikalawang pagkakataon na mahaharap ang batang suspek sa isang seryosong kaso.

Pansamantala, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Cauayan City ang suspek na binatilyo. REY VELASCO