MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad ang marijuana products na nagkakahalaga ng P2 milyon sa Mabalacat City, Pampanga.
Kaugnay nito ay naaresto ang tatlong indibidwal.
Ang pagkakaaresto at pagkakakumpiska ay resulta ng buy-bust operation sa Barangay Bical nitong Miyerkules ng hapon, saad sa pahayag ng PRO 3.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 218 marijuana-flavored vape cartridges na nagkakahalaga ng P872,000; 520 gramo ng hinihinalang kush na nagkakahalaga ng P858,000; dalawang kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P240,000; at 19 piraso ng marijuana oil na nagkakahalaga ng P30,000.
Ang mga naarestong indibidwal ay kinilalang sina “Jek-jek” at “Josh,” ng Mabalacat City at “Ana,” residente ng Angeles City.
Nasa kustodiya na ng Mabalacat City Police Station ang mga nakumpiskang droga at naarestong mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act. RNT/JGC