Home NATIONWIDE Acting RD ng PRO1, nakipag-meet and greet sa Ilocos media

Acting RD ng PRO1, nakipag-meet and greet sa Ilocos media

LA UNION-Masayang nakipag-“Meet and Greet” sa mga kasapi ng PRO1 Press Corps ang Acting Regional Director ng Police Regional Office 1 na si Police Brigadier General Dindo Regis Reyes kahapon, Hulyo 3 sa Conference Room sa Camp BGen Oscar Florendo sa Parian, San Fernando City, La Union.

Layunin ng aktibidad na patatagin ang ugnayan ng kapulisan at media sa pagbibigay ng tapat na impormasyon at pagtitiyak ng kaayusan sa rehiyon.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni P/Brig. Gen. Reyes ang mahalagang papel ng media bilang tulay sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

Ipinahayag niya ang pasasalamat sa patas at makatotohanang pagbabalita ng mga mamahayag.

Ibinahagi rin ni P/Brig. Gen. Reyes ang kanyang layunin sa PRO1- na maging Maasahan, Malalapitan, at Mapagkakatiwalaan ayon sa direktiba ni PNP Chief Police Gen. Nicolas D. Torre III.

Binanggit niya ang pagpapalakas sa command centers, mas madalas na pagpapatrolya, at mas mabilis na pagtugon sa mga insidente.

“Walang dahilan para maantala ang serbisyo. Every police officer will be measured not just by presence, but by action,” aniya.

Tinukoy din Reyes ang mga reporma sa PRO1 tulad ng modernisasyon, digitalisasyon ng proseso, at mahigpit na pagpapatupad ng panuntunan ng pananagutan sa lahat ng antas.

Layunin ng PRO1 na maging mas malapit pa sa komunidad sa pamamagitan ng mga programa, dayalogo at pakikipag-ugnayan.

Naniniwala at naninidigan si P/Brig. Gen. Reyes na ang tiwala ng publiko ang pundasyon ng mahusay na serbisyo.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni: P/Col. Alex D. Fulgar, Chief of Regional Staff; P/Lt. Col. Benigno C. Sumawang, Chief ng RPIO; Unit Chiefs of PCADUs; Chief of PIOs ng iba’t ibang PPOs, at ng 34 PRO1 accredited media representatives. Rolando S. Gamoso