Home NATIONWIDE 15 kontratista ‘palaging nakakakuha ng flood control projects’, papangalanan ni PBBM

15 kontratista ‘palaging nakakakuha ng flood control projects’, papangalanan ni PBBM

255
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malakanyang na kapag natapos na ang imbestigasyon ay papangalanan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga nasa likod ng top 15 contractors na nakakuha ng mga proyekto ng pamahalaan kabilang ang flood control projects.

Nauna rito, hiniritan kasi si House Deputy Minority Leader Antonio Tinio ng ACT Teachers party-list kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung sino-sino ang mga nasa likod ng pinangalanang top 15 contractors na nakakuha ng mga proyekto ng pamahalaan kabilang ang flood control projects.

Dagdag pa ni Tinio na sana ay mapanagot din ang mga nasa likod nito.

Sinabi naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inilabas ng Pangulo ang usapin ng 15 kontratista dahil palaging ang mga ito ang nakakakuha ng kontrata sa mga proyekto ng gobyerno .

“Dahil sila po iyong pinakamaraming project, so tingnan po natin, kung ano ba iyong mga naging proyekto, sino ba iyong kumausap sa kanila, mga magaganda ba iyong mga naging trabaho nila. Bakit sila lagi ang namamayagpag, so iyon po ang dapat, kaya po iyan ni-release ng ating Pangulo,” ang sinabi ni Castro.

Matatandaan na bagamat pinangalanan ng Pangulo ang mga kompanya, hindi naman tinukoy ang mga indibidwal na nasa likod ng contracting firms na ito.

“What he said was just preliminary, there were not many details. It still remains to be seen if this will amount to something,” ani Tinio.

“Siyempre, ang pinakasukatan naman, meron bang makakasuhan? Mapapanagot ba? Whether it is a legislator, a Malacañang official, or contractor? Secondly, what would happen to flood control projects under the 2026 budget where the lion’s share of the DPWH’s budget goes?” dagdag pa.

Ayon naman kay House Committee on Public Accounts chairperson Terry Ridon ng Ako Bicol party-list, iimbitahan sa pagdinig ng komite sa flood control projects ng pamahalaan sa susunod na linggo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na nagsabing may ilang miyembro ng Kongreso ang sangkot sa mga kwestyonableng proyekto.

“Mayor Magalong has been alleging that lawmakers are pocketing kickback off government projects. He can attend our probe and we will give him the invitation, provided that ibibigay niya ho ‘yung mga pangalan ng mga inaakusahan po niya ng mga kongresista,” ani Ridon sa isang panayam.

“He will have to do it under oath,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Ridon na ang kanyang naunang anunsyo ng pagdinig sa Kamara ay gagawin nang patas at tapat.

“People will say what they want to say about how we will conduct the hearings. That is part of our job. That is the burden of leadership. Pero gagawin natin ang tingin natin dapat kailangan gawin para maipakita na fair and objective ito pong gagawing pagdinig na ito,” dagdag pa ni Ridon.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Navotas Representative Tobias Tiangco na ang rebelasyon ng Pangulo na 6,021 flood-projects ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P350 bilyo ay kulang sa basic project details, ay nakakaalarma at hindi katanggap-tanggap.

“This raises serious questions about fairness, transparency, and potential corruption in project implementation. As representative of Navotas, a city that is below sea level, I know firsthand what’s at stake. Our people endure rising waters, damaged homes, disrupted livelihoods, and threats to health and safety,” anang mambabatas.

“Every peso wasted or misused on flood control is a betrayal of communities like ours. We cannot and will not allow critical infrastructure to become a playground for inefficiency or worse, corruption. I fully support the President’s directive to audit and clean up these programs, and I urge all agencies, contractors, and local officials to cooperate without delay,” dagdag pa ni Tiangco. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here