Home METRO 15 patay sa paglubog ng RoRo vessel sa Basilan

15 patay sa paglubog ng RoRo vessel sa Basilan

212
0

ZAMBOANGA, Philippines – Nagpatuloy ang rescue operations nitong Lunes matapos lumubog ang M/V Trisha Kirstin 3 ng Aleson Shipping Lines, na may 332 pasahero, malapit sa Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad, Basilan.

Nakapagtala ng 15 patay at mahigit 200 ang nailigtas.

Ayon sa ulat, lumubog ang Ro-Ro vessel bandang ala-1 ng madaling araw habang pa-Jolo, Sulu mula Zamboanga City.

Pumasok ang tubig sa lower deck at natagilid ang barko dahil sa malalakas na alon.

Iniulat ni Basilan Gov. Mujiv Hataman na 223 pasahero, kabilang ang apat na patay, ay naihatid sa Isabela City port.

Ang Philippine Coast Guard, Navy, pulis, at mga lokal na bangka pangisda ang kasalukuyang nagsasagawa ng search and rescue.

Ayon sa isang off-duty crew member, ipinamahagi ng crew ang life vests sa mga pasahero habang natatagilid ang barko.

Ipinunto niya na sanhi ng paglubog ang naputol na harness para sa mga sasakyan sa barko.

Ito na ang ikalawang insidente ng Aleson Shipping sa lugar matapos masunog ang M/V Lady Mary Joy 3 noong Marso 2023. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here