Home NATIONWIDE 15 patay sa suicide bombing sa simbahan sa Damascus

15 patay sa suicide bombing sa simbahan sa Damascus

SYRIA – Patay ang 15 katao matapos pasabugin ng suicide bomber ang kanyang sarili sa Mar Elias Church sa Dweila neighborhood ng Damascus, Syria.

Ang insidente ay ang kauna-unahang suicide bombing sa loob ng Damascus mula nang mapabagsak si Bashar al-Assad ng Islamist-led rebel insurgency noong Disyembre.

Sinabi ng interior ministry ng Syria na ang suicide bomber ay miyembro ng Islamic State.

Pumasok umano ito sa simbahan, nagpaputok ng baril saka pinasabog ang sarili.

Sa inisyal na ulat ay mayrong siyam na nasawi at 13 sugatan. RNT/JGC