Home HOME BANNER STORY 15 sa 18 akusado sa missing sabungeros, hawak na ng CIDG

15 sa 18 akusado sa missing sabungeros, hawak na ng CIDG

231
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), 15 sa 18 indibidwal na may kasong warrant of arrest sa missing sabungeros case ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Ani CIDG chief Police Major General Robert Alexander Morico II, kabilang sa hawak na ng CIDG ang siyam na pulis at anim na sibilyan.

“We have received two warrants of arrest sa kaso ni Atong Ang. The warrant to arrest consists of five counts for kidnapping with domicile and another six counts na warrant of arrest for kidnapping and serious illegal detention,” sabi ni Morico.

Kasalukuyang hinahanap pa ang isa pang pulis at isang sibilyan, kabilang si Atong Ang, habang nagpapatuloy ang operasyon.

“I ask Mr. Atong Ang to peacefully surrender na lang. We have several ongoing ngayon ng manhunt. There are several properties niya po in Metro Manila as well as in Region 4A na ongoing ‘yung pag-ano ng tauhan namin,” dagdag niya.

Isinagawa ang mga warrant of arrest mula sa Regional Trial Court sa Sta. Cruz, Laguna. Humiling naman ang abogado ni Ang na bigyan ng panahon upang suriin ang mga akusasyon laban sa kanyang kliyente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here