Home NATIONWIDE 15% shade sa mga balota target ikasa ng Comelec

15% shade sa mga balota target ikasa ng Comelec

125
0

MANILA, Philippines- Maaaring i-adopt ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong patakaran para maging valid ang 15 percent threshold mark sa balota.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa election watchdogs at sa media na dumalo sa end-to-end testing ng automated elections system sa Palacio del Gobernador ngayong Martes, Oktubre 29 na ang bagong patakaran ay ipatutupad simula sa susunod na taon para sa May 2025 polls.

Gayunman, sinabi ni Garcia na ang Comelec en banc ay dapat opisyal munang aprubahan ang bagong polisiya.

Ang Comelec en banc ay magsasagawa ng regular session sa Miyerkules, Oktubre 30.

Binanggit ni Garcia na ang bagong vote counting machines ay mas mahusay upang basahin ang anumang mga marka—kahit na check marks.

Pero hindi isinusulong ni Garcia sa mga botante na markahan ang kanilang balota ng check dahil dapat itong naka-shade.

“But it should be shaded—not checks or X marks,” ani Garcia. Jocelyn Tabancgura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here