Manila, Philippines – Kinuliti man ang mata ay matagumpay na naiuwi ni Nino Muhlach ang championship title ng Business Category sa unang pa-billiards league ni Rendon Labador.
“Malas nga na nagkaroon ako ng sty kung kelan araw ng tournament tapos birthday ko pa. Ang sakit-sakit nga,” sey ng former child actor.
Si Sandro Muhlach naman ay balik na sa kanyang happy self at nakasagupa pa nga sa losers bracket ng Influencers Category ang sariling ama.
Talo si Sandro pero eventually ay naligwak din si Nino matapos umabot ng semi-finals.
Buti na lang ay 2 categories ang sinalihan niya kaya me backup siya.
Remember, may ensaymada business ang pamilya nila at isa rin sila sa major sponsors ng Motivated Billiard League.
Ni-reveal ni Nino na noong pandemic lang pala siya nag-start maglaro ng bilyar.
“It’s a really good sport where Filipinos can excel na hindi kailangan ng height,” paliwanag niya.
Naalala ng actor-businessman ang anak nang mabanggit ang term na “lakas tira, lakas tsamba” at napangiti siya.
Bukod sa sport na ito ay scuba diving ang bonding ng pamilya nila, na halata sa napakaraming posts ni Nino sa Instagram and YouTube kung saan ay madalas niyang kasama ang protege at younger son niya na si Alonzo.
Na-share ni Nino na ang birthday wish niya ay makabangon ang mga nasalanta ng Bagyong Kristine.
Wala siyang nabanggit na anuman tungkol sa reklamo ni Sandro against the two GMA independent contractors.
Samantala, mukhang hindi ito ang huling beses na makaka-collab nina Sandro at Nino si Rendon.
Open raw ang motivational influencer na makatrabaho ang mag-amang laman lagi ng mga balita sa future projects niya, mapa-tournament man, music video, o charity outreach gaya ng ginawa nila nina Rosmar Tan dati na sobrang nag-viral. Trixie Dauz