SUBIC BAY FREEPORT ZONE – Dumating sa bansa ang nasa 150 buntis na Dairy Cattle mula sa Australia na bahagi ng kabuuang 1,419 na inangkat ng National Dairy Authority (NDA) sa Olongapo City.
Nabatid na mula sa Subic, dinala ang mga baka sa isang Stock Farm sa General Tinio, Nueva Ecija para dumaan sa quarantine procedure bago ito ipamahagi sa mga Dairy Farmer sa Northern at Southern Luzon.
Matatandaang matapos ang tatlong (3) taon, muling nag-import ang ahensiya (NDA) ng Dairy Cattle na layon ng Department of Agriculture (DA) na palakasin ang produksiyon ng gatas o dairy industry sa bansa.
Ang 1,419 na baka ay inaasahang makapag-aambag ng nasa 5.9 milyong litro ng gatas para sa taong 2027.
Bukod dito, inaasahan ding ang mga buntis na baka ay makakadagdag at aabot ang bilang ng mga ito sa 2,557 kabilang ang magiging anak ng mga buntis na baka. ROEL TARAYAO