Home METRO 1,500 indibidwal sa C. Luzon inilikas sa grabeng baha

1,500 indibidwal sa C. Luzon inilikas sa grabeng baha

157
0

MANILA, Philippines – May kabuuang 528 pamilya, o 1,509 na indibidwal, ang pansamantalang nananatili sa 34 sa 800 evacuation centers sa Bataan, Bulacan, at Olongapo City matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Carina nitong Miyerkules.

Ito ay ayon sa pinagsama-samang ulat ng lahat ng police units ng Central Luzon at ng regional Office of Civil Defense, na nagpakita rin na 71 barangay sa Bulacan ang binaha at pitong kalsada sa lalawigan ang hindi madaanan ng mga sasakyan.

May kabuuang 33 indibidwal sa Bataan at isa sa Angeles City ang nailigtas ng mga awtoridad.

Dalawang indibidwal, kabilang ang isang menor de edad, ang namatay dahil sa landslide sa Angeles City.

Inatasan ang mga tauhan ng Central Luzon police na paigtingin ang pagsisikap na tulungan ang mga biktima.

“May kabuuang 474 na tauhan ang naka-deploy para sa mga response operations, kabilang ang mga naka-deploy sa evacuation centers, habang 578 ang naka-standby at nakahanda para sa search, rescue at retrieval operations, at 466 ang binubuo ng Reactionary Standby Support Force,” ani regional police director, Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr. sa isang pahayag. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here