Home NATIONWIDE 154 durugista timbog sa P5M iligal na droga sa buy-bust sa Central...

154 durugista timbog sa P5M iligal na droga sa buy-bust sa Central Luzon

Bulacan – Arestado ang 154 indibiduwal habang nakasamsam ng P5,318,963.30 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Central Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa report kay Regional Director, PRO3 PBGEN Jean Fajardo, ikinasa ang 101 buy-bust operation nitong Abril 14 hanggang Abril 20 taong kasalukuyan.

Nabatid na nagresulta ang operasyon sa pagkakahuli ng 154 indibidwal na pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga sa ibat-ibang panig ng naturang rehiyon.

Ayon sa report, nasa 780.55 grams ang nasabat na shabu habang 93.56 grams ng marijuana dried leaves na may kabuuang halagang P5,318,963.30.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa istasyon o yunit ng pulisya na humuli sa kanila. Dick Mirasol III