Home NATIONWIDE DOH nagbabala vs fake news sa mpox sa Davao

DOH nagbabala vs fake news sa mpox sa Davao

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) Davao Region ang mga residente na maging mapagbantay laban sa mali at hindi beripikadong impormasyon na kumakalat tungkol sa virus kasunod ng kumpirmasyon ng dalawang kaso ng mpox sa Davao City.

Ang dalawang kaso ay kinumpirma ng Davao City Health Office (CHO) noong Abril 16 base sa datos mula sa DOH-regioal Epidemiolofy and Surveillance Unit.

Na-admit ang mga pasyente sa isolation facility sa Southern Philippines Medical Center.

Gayunman, isa sa pasyente na severely immunocompromised ay namatay kalaunan dahil sa kumplikasyon na hindi nauugnay sa mpox.

Sa public advisory, hinikayat ng DOH-11 ang mga Dabawenyos na maging handa para sa banta ng mpox.

Tiniyak din ng DOH-11 sa publiko na ang iniulat na kaso ay sangkot ng kaparehong Clade II variant ng mpox virus na naunang nakita.

Binigyang-diin din na ang pasyente na nasawi ay dahil sa kumplikasyon ng non-mpox na nagmumula sa kanilang mahinang immune system. Jocelyn Tabangcura-Domenden