MANILA, Philippines – Bumaba ng 60% ang krimen sa Metro Manila sa panahon ng Semana Santa, kumpara sa rekord sa kaparehong panahon noong 2024, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes, Abril 21.
Sa pahayag, sinabi ng NCRPO na 45 insidente ng walong focus crimes ang iniulat sa rehiyon mula Abril 14 hanggang 19.
Mas mababa ito kumpara sa 113 insidente na naitala noong nakaraang taon.
“Metro Manila experienced a significant improvement in public safety this Holy Week, as the NCRPO reported an extraordinary 60.18% reduction in eight focus crimes from April 14–20, 2025, compared to the same period last year,” ayon sa NCRPO.
Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng sasakyan, at carnapping ng motorsiklo. RNT/JGC