Home NATIONWIDE Mga bagong armas ipinakilala sa Balikatan

Mga bagong armas ipinakilala sa Balikatan

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Balikatan Exercise ng Pilipinas at Estados Unidos.

Nasa 17,000 sundalo ang inaasahang makikibahagi sa Balikatan na sa kauna-unahang pagkakataon ay katatampukan ng isang integrated air at missile defense simulation.

Kabilang sa mga sopistikadong US weapons ay ang “highly mobile” NMESIS anti-ship missile system.

“We will demonstrate not just our will to uphold our mutual defense treaty in existence since 1951 but our matchless capability to do so,” ayon kay US Marine Corps Lieutenant General James Glynn sa opening ceremony nitong Lunes, Abril 21.

“Nothing builds bonds more quickly than shared adversity,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi naman ni Major General Francisco Lorenzo na palalakasin ng Balikatan ang kakayahan ng Pilipinas na tugunan ang “contemporary security challenges.” RNT/JbaGC