MANILA, Philippines- Isang 16-anyos na babae ang umano’y naging bihag at pinagsamantalahan nang maraming beses sa loob ng tatlong araw sa Tondo, Manila.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Christian Navarro, 24-anyos, residente ng Mithi Street, Tondo, Maynila.
Ayon sa biktima, dinukot siya ng suspek mula sa kanyang bayan sa Antipolo, Rizal noong umaga ng Setyembre 9 at dinala sa bahay ng suspek sa Tondo kung saan siya ay ginahasa nang maraming beses.
Mula Setyembre 9 hanggang 11, ikinulong na ng suspek ang biktima sa loob ng kanyang bahay.
Noong Setyembre 11, tinanong ng biktima ang suspek kung maaari silang pumunta sa Luneta Park kung saan sumang-ayon ang suspek.
Nang dumating ang dalawa sa parke, nagawang humiram ng biktima ng cellphone mula sa isang bystander upang kontakin ang kanyang pamilya.
Dumating sa Tondo ang kanyang pamilya kasama ang mga awtoridad upang iligtas siya noong Setyembre 12. Agad namang naaresto ang suspek at nakakulong ngayon sa MPD Ermita Station.
Sinabi ng pulisya na mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, at Republic Act No. 7610 o Anti-Rape Law of 1997. Jocelyn Tabangcura-Domenden