Home METRO 16-anyos timbog sa pagnanakaw ng baby stroller para sa kanyang anak

16-anyos timbog sa pagnanakaw ng baby stroller para sa kanyang anak

DAVAO – Isang 16-anyos na lalaki ang inaresto matapos umanong magnakaw ng baby stroller sa Davao City, na ayon sa kanya ay para sana sa kanyang sanggol na anak.

Tumakas ang binatilyo matapos mahuli sa aktong ninanakaw ang stroller. Nagtago siya sa bahay ng kapitbahay, ngunit nahuli rin siya ng mga awtoridad kalaunan.

Bukod sa baby stroller, ninakaw rin ng binatilyo ang ilang piraso ng damit, ayon sa pulisya. Lumabas din sa imbestigasyon na ang suspek ay namamasukan bilang helper sa lugar.

Sa kabila ng insidente, nagpasya ang may-ari ng stroller na hindi na magsampa ng reklamo laban sa binatilyo.

Dahil menor de edad ang suspek, ini-turn over siya ng pulisya sa Davao City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa nararapat na pagkalinga at interbensyon. RNT