Home NATIONWIDE 16 boto para ma-convict si VP Sara, kailangan – Tulfo

16 boto para ma-convict si VP Sara, kailangan – Tulfo

1
0

MANILA, Philippines – Mananatili pa rin sa 16 ang kinakailangang boto upang ma-convict si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasalukuyang impeachment trial laban sa kanya.

Ito ay ayon kay Senator Erwin Tulfo sa isang pulong-balitaan sa Maynila nitong Martes.

Ang paninindigan ng senador sa 16 na bilang ng boto para mahatulan ang isang nagkasala ay katumbas ng 2/3 ng bilang ng mga kasalukuyang senador.

Aniya, hindi naman kasi sinabi sa Saligang Batas na itsa-puwera bilang hukom ang senador kung nagtatago o may kinakaharap na kaso.

Aminado rin si Tulfo na wala silang magagawa kung hindi aabot sa 16 ang boto ng mga senador para i-impeach si VP Sara Duterte.

Samantala, sinabi ng senador na dumulog sa Korte Suprema ang mga grupong bumabatikos sa naging posisyon ng Impeachment Court.

Kabilang dito ang pagtatalaga kay Senador Francis Escudero bilang presiding officer at ang pagtatakda ng 16 bilang 2/3 ng Senado.

Kinatawan din ng senador ang posisyon ng mayorya na walang sinasabi ang Konstitusyon na dapat ang Senate President ang maupo bilang Presiding Officer ng Impeachment Court. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here