Home NATIONWIDE 16 Chinese vessels namonitor sa West Philippine Sea

16 Chinese vessels namonitor sa West Philippine Sea

2
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 16 Chinese vessels ang namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) mula Agosto 18 hanggang 24, 2026.

Ayon kay AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga namonitor ang mga barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG).

Narito ang bilang ng mga barkong namataan sa bawat lugar:

–Ayungin Shoal: 11 CCG vessels

–Bajo de Masinloc: 4 CCG vessels

–Pag-asa Islands: 1 CCG vessel

–Escoda Shoal: Walang namonitor na Chinese vessel

Mas mababa ito kumpara sa 23 Chinese vessels na namonitor sa WPS mula Agosto 11 hanggang 17.

Patuloy ang tensyon sa West Philippine Sea dahil inaangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea, kabilang ang mga lugar na inaangkin din ng Pilipinas at iba pang bansa.

Noong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague pabor sa Pilipinas at sinabing walang legal na batayan ang malawak na maritime claims ng China. Gayunman, hindi kinilala ng China ang naturang desisyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here