Home METRO 16 drayber sa W. Visayas habambuhay tinanggalan ng lisensya ng LTO

16 drayber sa W. Visayas habambuhay tinanggalan ng lisensya ng LTO

298
0

MANILA, Philippines – Habambuhay nang ipinagbawal ng Land Transportation Office–Western Visayas (LTO-6) ang 16 katao mula sa pagmamaneho dahil sa matitinding paglabag sa batas-trapiko simula Enero ngayong taon.

Kabilang dito ang dalawang motorista mula Iloilo at Bacolod na gumamit umano ng pekeng lisensya sa renewal.

Kasama rin sa pinatawan ng habambuhay na diskwalipikasyon ang ilang pasaherong nagpakitang-gilas sa mga delikadong stunts at isang mekanikong sumabak sa drag racing gamit ang motorsiklo ng kanyang kliyente.

Ayon sa LTO-6, isinama na sa alarm list ang mga nasabing indibidwal upang hindi na muling makakuha ng lisensya. Bukod dito, 28 lisensya ang binawi at 9 naman ang sinuspinde ng ahensya ngayong taon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here