MANILA, Philippines – Patuloy ang ginagawang paglalansag ng gobyerno ng Pilipinas sa mga pasaway na kontratista, may 16 na kompanya na ang nasa ilalim ng blacklisting proceedings at mahigit naman sa 60 iba pa ang posibleng maharap sa kaparehong kapalaran.
Sinabi ni Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na target ng hakbang ang mga kontratista na sangkot sa maanomalyang infrastructure projects, kabilang na ang substandard work, overpricing at delayed delivery.
Sinasabing may apat na kontratista ang ni-revoked ang lisensiya, tinukoy ni Castro ang impormasyon mula sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).
βAng sabi po ng Pangulo, kahit po magkakaroon tayo ng blacklisting ng ibang mga contractor ay hindi po maaapektuhan ang tuluy-tuloy na pagsasagawa ng mga imprastraktura sa bansa natin dahil marami pa po na mga contractor na masasabi natin na maaayos magtrabaho,” ani Castro.
Ang blacklisting ay bahagi ng pinalawak na pagsisikap para paghusayin ang transparency, pigilan ang maling paggamit ng pondo sa gitna ng paglansag ng gobyerno sa malawakang korapsyon sa flood control projects.
Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang agarang pagbabayad sa mga kontratista ng gobyerno na tumupad sa kontrata at maayos ang naging trabaho sa mga proyekto. (KRIS JOSE)