Nagbabala ang PAGASA na labing-anim (16) na lugar sa bansa ang makararanas ng danger-level na init sa Huwebes, Mayo 8, 2025, kung saan ang heat index ay aabot mula 42°C hanggang 44°C.
Aabot sa 44°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan at Sangley Point, Cavite City.
Samantala, 43°C ang inaasahan sa:
NAIA, Pasay City
Sinait, Ilocos Sur
Laoag City, Ilocos Norte
ISU in Echague, Isabela
Iba, Zambales
TAU in Camiling, Tarlac
Masbate City, Masbate
Catarman, Northern Samar
42°C
Ambulong, Tanauan, Batangas
NAS-UPLB, Los Banos, Laguna
Coron, Palawan
Cuyo, Palawan
Daet, Camarines Norte
Roxas City, Capiz
Sa Baguio City naman mararamdaman ang pinakamalamig na 25°C.
Ayon sa PAGASA, itinuturing na danger level ang heat index na 42°C hanggang 51°C—may banta ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. Pinapayuhan ang publiko na umiwas sa matagalang exposure sa araw, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng preskong damit. (Santi Celario)