Home METRO 16 nawawala sa tumaob na bangka sa Isabela

16 nawawala sa tumaob na bangka sa Isabela

Nawawala ang labing-anim na tao, kabilang ang kapitan matapos tumaob ang isang bangka sa karagatan ng Palanan, Isabela.

Nagpapatuloy ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang mga pulis at ilang volunteers.

Sa imbestigasyon, makikita pa ang bangka sa gitna ng laot na nakataob ngunit wala ang mga sakay nito.

Ayon sa may-ari ng bangka, nawalan ito ng kontak sa kapitan ng bangka noong Sept. 3.

Noong panahong iyon, ang bangka ay pumalaot patungo sa Pacific fishing grounds mula Infanta, Quezon.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga tripulante na sumilong dahil sa banta ng Bagyong Enteng.

Ngunit habang patungo ang bangka sa sheltering area, naputol ang komunikasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)